
Nagising ako mag aala una ng umaga, hindi ko alam, parang may isang bulong na gumising sakin sa kalagitnaan ng dilim. wala na akong nagawa kundi ang magpa ubaya sa bulong na makakabulanog sa aking pandinig.
Humarap ako sa salamin, tinignan ang sarili sabay sabi.. "ano nga ba ang mali?" Ilang segundo palang ang dumadaan, laking gulat ko may malakas na tinig na sumagot na nagmumula sa aking kaharap na salamin sabay sabing "walang problema, hindi ka lang marunong umintindi minsan"
Sumagot ako, "umintindi? s=buong buhay ko puro kagustuhan nila ang bininigay ko, ni ultimo sarili kong kaligayahan hindi ko mabigay sa sarili ko"
Sumagot sya" Gumising ka sa katotothaanan, kung ikaw nasasabi mo yan, sila din ganyan syo kaya pwede ba itigil mo na yabg walang kwentang pag-iisip na yan! " pasigaw nyang sinabi, tila galit na sya..
ako "hindi mo nararandaman ang nararamdaman ko! bakit ako ba ikaw? ikaw ba ako? at sino ka para sabihan ako ng ganyan?? alam mo ba lahat? kilala mo ba ako??" galit na din akong nakikipag usap sakanya.
OO kilala kita sumbat nya, ako ikaw! ikaw ako! isakang malaking tanga kung hahayaan mo yang mga wlang kwentang pag-iisip mo! wala kang isip! makasarili! makasarili!"
pagkadinig ko ng salitang 'makasarili" hindi ko naman layang suntukin sya! laking gulat ko ng akoy matauhan, duguang kamay at basag na salamin ang aking nakita.
Ulit may narinig akong malakas na boses sabi "hoy grace gising naaa, umaga na! maaga pa tayo!"

No comments:
Post a Comment